TAGU TAGUAN: HIDE AND SEEK "Tagu taguan maliwanag ang buwan , wala sa likod , wala sa harap , pagbilang kong sampu nakatago na kayo .. Isa .. dalawa .. tatlo .. apat .. lima .. anim .. pito .. walo .. siyam .. SAMPU" Ang tagu taguan ay isa sa mga sikat na larong pambata sa pilipinas. Kalimitang nilalaro ito tuwing hapon kung saan pwedeng lumahok kahit ilan. Nagsisimula ito sa "Maiba taya" o "Bato bato pik (rock, paper,scissor)" na kung sino ang matalo siya ang taya. Kapag natapos na bumilang na ng sampu ang taya habang nakatalikod sa puno dapat ay magtago na ang mga kalahok sa laro. Upang manalo sa larong ito, Kung ikaw ang taya dapat mahuli mo kung saan nagtatago ang mga kalahok ngunit kung ikaw naman ay isa sa mga nagtatago, dapat makapunta ka sa puno ng hindi nakikita ng taya. Mga Patnubay: -Dapat ikaw ay mahusay magtago -Dapat matalas ang iyong pandinig at mata -Iwasan ang mag ingay kapag nagtatago -Maging patas sa laro
Posts
Showing posts from September, 2018